Hika at ang Iyong Anak
Kapag ang baga ay malusog, ang paghinga ay madali. Sa bawat paghinga, ang hangin ay bumababa sa windpipe patungo sa baga. Doon, ito ay dumadaloy sa mga daanan ng hangin (bronchial tubes). Ang mga daanan ng hangin ay lumilikha ng mucus upang kulungin at makatulong upang alisin ang anumang mga maliliit na bagay na iyong nalanghap. Ang mga kalamnan na nakapalibot sa daanan ng hangin ang nagkokontrol kung gaano kabukas o kasarado ang mga ito. Ang hangin ay nalalanghap at nilalabas sa parehong daanan ng hangin.

Paano Naaapektuhan ng Hika ang Baga
-
Kapag ang daanan ng hangin ay malusog at nakabukas, maraming lugar para makapasok at makalabas ang hangin sa baga.
-
Kapag ang hika ay hindi nakontrol, ang mga daanan ng hangin ay madalas na maga. Ang paligid ng daanan ng hangin ay namamaga. Ang mga kalamnan sa paligid ng daanan ng hangin ay maaaring humigpit. Ang hangin ay kailangan dumaan sa mas masikip na tubo. Ang pamamaga ay ginagawang mas sensitibo ang daanan ng hangin sa mga bagay na nalalanghap.
-
Kapag ang sensitibong daanan ng hangin ay nairita, lalo silang namamaga. Ang mga pangkat ng kalamnan sa paligid ng daanan ng hangin ay humihigpit. Mas maraming mucus ang nabubuo. Ang lahat ng ito ay nagpapasikip lalo sa daanan ng hangin. Nagdudulot ito ng problema sa paghinga—isang pag-atake ng hika.
 |
Normal na daanan ng hangin |
 |
Di kontroladong hika (asthma) |
 |
Di kontroladong hika (asthma) |
Online Medical Reviewer:
Holloway, Beth, RN, M.Ed.
Online Medical Reviewer:
Images reviewed by Staywell medical art team
Online Medical Reviewer:
MMI board-certified, academically-affiliated clinician
Date Last Reviewed:
8/1/2018
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.