Mga Bahagi ng Paa
Ang iyong paa ay binubuo ng malambot na tisyu at mga buto na gumagana nang magkasama upang bumuo ng isang malusog, gumagana at walang sakit sa talampakan.

-
Mga kalamnan na pinaiikli at inirerelaks upang igalaw ang paa.
-
Ang mga litid (tendon) ay matitigas na hibla na nagdudugtong ng mga kalamnan sa mga buto.
-
Ang mga litid (ligaments) ay mga hiblang nagdudugtong sa mga buto.
-
Ang mga nerbiyo ay nananalaytay sa mga paa, nagbibigay ng pakiramdam.
-
Pinoprotektahan ng mga kuko ang mga dulo ng mga daliri sa paa.
-
Ang mga phalenges ay mga buto sa daliri ng paa.
-
Ang mga metatarsals ay mga buto sa pagitan ng mga daliri at ng mga buto ng bukong-bukong.
-
Ang mga tarsal ay mga buto sa dulong paa (hindfoot) o gitnang paa (midfoot).
-
Ang talus ay isa sa mga buto ng bukong-bukong.
-
Ang calcaneus ay buto ng sakong.
-
Ang arko ay nabubuo sa pamamagitan ng mga buto at pinagdudugtong ng mga litid o ligaments.
-
Ang mga kasu-kasuan ay lugar kung saan nagdudugtong ang dalawang buto. Nakalinya ang mga ito kasama ng kartilago (cartilage). Ang cartilage ay makinis na himaymay na nagpapadulas ng mga kasu-kasuan.
-
Ang plantar fascia ay manipis na mahimaymay na tisyu na sumusuporta sa arko at nababalutan ng mga laman.
Online Medical Reviewer:
L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer:
Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer:
Thomas N Joseph MD
Date Last Reviewed:
7/1/2020
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.