Related Reading
Search Clinical Content Search Patient Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Payo upang Makontrol ang Acid Reflux

Upang makontrol ang acid reflux, kailangan mong gumawa ng ilang pangunahing pagbabago sa diyeta at pamumuhay. Maaaring ang kailangan mo lang gawin ay ang mga simpleng hakbang na nakabalangkas sa ibaba upang maibsan ang kawalang-ginhawa.

Bantayan kung ano ang kinakain mo

  • Huwag ang mga matataba o maaanghang na pagkain.

  • Kumain ng mas kaunting acidic na pagkain, gaya ng citrus at mga pagkaing may kamatis. Maaaring dagdagan ng mga ito ang mga sintomas.

  • Limitahan ang pag-inom ng mga inuming mabula o may taglay na alkohol o caffeine. Dinaragdagan ng lahat ng ito ang acid reflux.

  • Sikaping limitahan ang tsokolate, peppermint, at spearmint. Maaaring palubhain ng mga ito ang acid reflux ng ilang tao.

Bantayan kapag kumakain ka

  • Huwag humiga sa loob ng 3 oras pagkatapos kumain.

  • Huwag magmeryenda bago matulog.

Itaas ang iyong ulo

Tumutulong ang pagtataas ng iyong ulo at itaas na bahagi ng iyong katawan nang 4 hanggang 6 na pulgada upang malimitahan ang reflux kapag nakahiga ka. Maglagay ng mga bloke sa ilalim ng frame ng iyong ng higaan o kalang sa ilalim ng iyong kutson para itaas ito.

Taong nakahiga sa kama na may bloke sa ilalim ng ulunan ng kama.Taong nakahiga sa kama na may kalang na foam sa ilalim ng kutson sa ulunan ng kama.

Iba pang pagbabago

  • Magbawas ng timbang, kung kailangan mo.

  • Huwag mag-ehersisyo bago matulog.

  • Huwag magsuot ng masisikip na damit.

  • Limitahan ang iyong paggamit ng aspirin at ibuprofen.

  • Tumigil sa paninigarilyo, kung naninigarilyo ka.

© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite

These resources and their content are provided by a third party for informational purposes and do not necessarily reflect the values and positions of Ascension, its ministries, or its subsidiaries.

About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer

The Services may integrate with Third-Party Apps or contain third-party content or provide links to third-party websites. For example, the Services may integrate with Third-Party App providers to provide you with information. You authorize Ascension to transmit information about You to and receive information about You from applicable third parties.
You agree that Ascension is not responsible for Third-Party Apps, third-party content or third-party websites, and does not make any endorsements, representations or warranties regarding the same. Your use thereof is at Your own risk and subject to the third party’s terms and conditions, as applicable. By using a Third-Party App or third-party content or websites, You agree to the applicable third party’s terms and conditions, even if Ascension does not present them to You at the time of Your use.