Ano Ang Syncope?
Kilala rin ang syncope bilang pagkahimatay o pagkawala ng malay. Isa itong biglaan at panandaliang pagkawala ng malay at motor tone. Kadalasan itong resulta ng biglaang pagbaba ng pagdaloy ng dugo patungo sa utak o kakulangan ng oxygen na nadadala sa utak. Pagkatapos, sinusundan ito ng ganap at madalas na mabilis na kusang paggaling. Hindi nangangailangan ang karamihang tao ng follow-up na paggamot. Gayunman, kailangan mo ng paggamot para sa ilang sanhi, tulad ng problema sa puso o nervous system. Magpagamot din kung napinsala ka noong nahimatay ka, tulad ng pinsala sa ulo.
 |
Walang-tigil na nagbobomba ng dugo ang puso papunta sa utak at sa iba pang bahagi ng katawan. |
Pag-unawa sa bilis ng tibok ng puso at mga pagbabago sa presyon ng dugo
Kailangan ng iyong utak at katawan ang matatag na daloy ng dugo na sagana sa oxygen. Nagbabago ang bilis ng tibok ng iyong puso at presyon ng dugo upang mapanatiling matatag ang daloy na iyon sa lahat ng iyong aktibidad.
-
Gumagawa ang puso ng mga electrical signal na dumaraan sa mga daanan. Itinatakda ng mga signal na ito ang bilis ng tibok ng puso. Sinasabihan ng mga ito ang puso kung kailan magbobomba ng dugo.
-
Bilang tugon sa mga pangangailangan ng iyong katawan, maaari ding magdulot ang iyong utak ng mga pagbabago sa bilis ng tibok ng iyong puso at presyon ng dugo. Ang mga sensor sa katawan ang tumutuklas sa dami ng dumadaloy na dugong pumupunta sa utak at iba pang bahagi ng katawan. Kapag natuklasan ng mga sensor na mababa ang pagdaloy ng dugo, sesenyasan ng mga ito ang katawan upang pataasin ang dami ng likido sa mga daluyan ng dugo at pabibilisin ang tibok ng puso upang mas makapagbigay ng mas maraming pagdaloy ng dugo.
-
Ang dugo na umaalis mula sa puso sa bawat pagtibok nito ang nagsusuplay ng oxygen at sustansya habang dumadaloy ito sa iyong utak.
Mga tanda ng babala
Kadalasang biglang nangyayari ang syncope. Kasama sa mga tanda ng babala ang:
Maaari ding makaramdam ang ilang tao ng pagkaduwal o pagpapawis. Ngunit maaaring talagang wala kang mga tanda ng babala. Pagkatapos ng syncope, mabilis ka nang gagaling. Ngunit maaari kang makaramdam ng pagkapagod. Huwag magmaneho kung nagkakaroon ka ng mga tanda ng babala na maaari kang mahimatay.
Malubha ba ito?
Ang syncope ay isang karaniwang problema na may maraming posibleng dahilan. Kadalasan hindi malubha ang mga sanhing ito. Halimbawa, maaaring ang syncope ay dulot ng pagtayo nang matagal o pag-upo nang mabilis. Sa ilang kaso, maaaring hindi ka na kailanman mahimatay muli. Ngunit kung mayroon kang syncope na may problema sa puso, maaari itong isang babala ng mas seryosong problema. Dahil dito, maaaring magtagubilin ng ilang pagsusuri ang tagapangalaga ng iyong kalusugan upang tingnan ang paggana at ritmo ng puso. Kung nagkaroon ka ng syncope, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.
Sa mga mas matatanda, maaaring maging tanda ang syncope na nangyari ang isang atake sa puso. Huwag iantala ang pagpapagamot.
Kahit na hindi malubha ang sanhi ng syncope, mayroon ding panganib ng pinsala sa pagtumba kapag nawalan ka ng malay. Kapag maaari, mababawasan ng paghanap ng dahilan ang panganib na ito.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.