Pagbubuntis: Mga Karaniwang Tanong
Maraming alamat at “pamahiin” ang nakapalibot sa pagbubuntis. Maaring kailangan mo ng tulong upang paghiwalayin ang katotohanan mula sa katang-isip. Sa pahinang ito, malalaman mo ang mga kasagutan sa ilang karaniwang tanong. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang iba pang mga tanong.

Makasasama ba sa aking sanggol ang pagtatrabaho ko?
Kadalasan, hindi mapanganib ang pagtatrabaho habang buntis ka. Maaaring may mga alalahanin kung sangkot sa trabaho ang mapanganib na makinarya o kemikal, pagbubuhat, o pagtayo nang napakahabang oras. Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan at employer tungkol sa iyong partikular na trabaho at iyong pagbubuntis.
Ligtas ba ang sekswal na pagtatalik sa panahon ng pagbubuntis?
Oo, maliban kung partikular kang tinagubilinan ng tagapangalaga ng iyong kalusugan na huwag gawin ito.
Bakit hindi ko mapapalitan ang kahon ng dumi ng pusa?
Nagdadala ng sakit ang mga pusa na tinatawag na toxoplasmosis. Sa mga taong nasa hustong gulang, makikita ito bilang isang banayad na impeksiyon ng dugo at mga organ. Kung nahawahan ka sa panahon ng pagbubuntis, maaaring mapinsala ang utak at mga mata ng sanggol. Upang maging ligtas, ipagawa sa ibang tao ang pagpapalit ng kahon ng dumi. Kung dapat mo itong hawakan, magsuot ng papel na maskara sa ibabaw ng iyong ilong at bibig. Gayun din, magsuot ng guwantes at maghugas ng kamay pagkatapos.
Ano-anong gamot ang ligtas?
Ang walang reseta o over-the-counter na gamot ay ligtas para sa lahat ng tao sa lahat ng oras. Ngunit kung minsan kailangan ang mga gamot. Siguraduhin na alam ng tagapangalaga ng iyong kalusugan na ikaw ay buntis. Pagkatapos gamitin lamang ang mga gamot na kanyang ipinayo sa iyo na inumin.
Totoo bang maaari kong painitan ang aking sanggol?
Oo. Upang maiwasan na sobrang mainitan ang iyong sanggol:
-
Huwag maupo sa Jacuzzi. Ang mahaba at maligamgam na paligo ay mainam, ngunit hindi sa tubig na higit sa 100°F (37.7°C).
-
Bawasan ang labis na ehersisyo kung nakakaramdam ka ng pagod. Ibatay ang pag-eehersisyo sa iyong nararamdaman, hindi sa bilis ng tibok ng puso. Hindi magandang paraan ang tibok ng puso upang sukatin ang pagsisikap sa panahon ng pagbubuntis.
Puwede ba akong magbuhat at magdala nang ligtas?
Oo, kung hindi naman sinabi sa iyo ng tagapangalaga ng iyong kalusugan na huwag gawin iyon. Matutong magbuhat at magdala sa ligtas na paraan upang maiwasan ang pinsala at mabawasan ang pananakit ng likod sa panahon ng pagbubuntis. Upang protektahan ang iyong likod:
-
Yumuko at tumingkayad upang buhatin ang karga nang mas malapit.
-
Hawakan nang mahigpit ang karga. Subukan ang bigat ng karga.
-
Patigasin ang mga kalamnan sa iyong tiyan. Huminga nang palabas habang iyong iniaangat.
-
Iangat gamit ang iyong mga binti, hindi ng iyong likod.
-
Dalhin ang karga na malapit sa iyong katawan.
-
Hawakan ang karga sa paraang makikita kung saan ka papunta.
Paano kung magkasakit ako?
Karamihan sa kababaihan ay nagkakasakit kahit isang beses lamang sa panahon ng pagbubuntis. Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung magkasakit ka. Kalimitan hindi ito makakaapekto sa iyong pagbubuntis. Magkaroon ng maraming pahinga at likido, at kumain ng kaya mong kainin. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalasugan bago uminom ng anumang gamot.
Online Medical Reviewer:
Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer:
Heather Trevino
Online Medical Reviewer:
Irina Burd MD PhD
Date Last Reviewed:
8/1/2020
© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.