Related Reading
Search Clinical Content Search Patient Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Kaugaliang Malusog na Pagkain sa Panahon ng Pagbubuntis

Mahalaga na maging kaugalian ang malusog na pagkain habang ikaw ay buntis, para sa iyo at sa iyong sanggol. Narito ang ilang pamamaraan upang manatiling malusog.

Pagsikapan ang Mulusog na Timbang

Ang dahan-dahan, matatag na antas ng pagdagdag ng timbang ang pinakamabuti. Pagkatapos ng unang trimester, ikaw ay maaaring bumigat ng isang pound kada linggo. Kung sobra ang iyong timbang bago ka nagbuntis, kailangan na kaunting pound lang ang iyong ibigat. Maaari kang bigyan ng iyong doktor ng layunin para sa malusog na timbang para sa iyong pagbubuntis.

Huwag Magdiyeta

Hindi ngayon ang panahon para magdiyeta. Maaaring hindi sapat ang nakukuha mong nutrients na kailangan mo at ng iyong sanggol. Sa halip, alamin kung paano kumain nang malusog. Simulan ito para sa iyong sanggol. Sa susunod, ay maaari mong gawin ito para sa iyong sarili.

Mga Bitamina at Suplemento

Kausapin ang iyong healthcare provider ukol sa pag-inom ng mga ito at ng iba pang prenatal na bitamina at suplemento.

  • Iron ang nagbibigay ng karagdagang dugo na kailangan mo ngayon.

  • Calcium at bitamina D ang tumutulong sa pagbuo at pananatili ng matibay na buto.

  • Folic acid ang tumutulong upang maiwasan ang ilang depekto sa panganganak.

  • May ilang bitamina na maaaring hindi ligtas inumin. Sasabihin sa iyo ng iyong healthcare provider kung alin ang mga dapat na iwasan.

Fluids

Uminom ng hindi bababa sa 8–10 na baso ng fluid araw-araw. Kailangan ng iyong sanggol ng fluid. Ang fluid ay nakakapagpabawas ng hindi pagkadumi, naglalabas ng toxins at dumi, nililimitahan ang pagmamanas, at tumutulong maiwasan ang mga impeksiyon sa pantog. Tubig ang pinakamainam. Ang iba pang pagpipilian ay:

  • Tubig o tubig na seltzer na may piraso ng limon o dayap (ang mga ito rin ay makakapagpagaan ng pananakit ng tiyan)

  • Malinaw na sabaw na mababa sa asin

  • Low-fat o walang fat na gatas; soya o kaning gatas na may idinagdag na calcium

  • Fruit juice na may halong tubig

  • Popsicle o dyelatin

Mga Bagay na Dapat Iwasan

May ilang bagay na makakasama sa iyong lumalaking sanggol. Huwag kainin o inumin:

  • Alak

  • Hindi na pasture na pagkain at juice na dairy

  • Hilaw o hindi lubos na lutong karne, manok, isda, o itlog

  • Isda na mataas sa mercury, gaya ng pating, swordfish, king mackerel, tilefish, at albacore tuna

Mga Dapat Limitahan

Itanong sa iyong healthcare provider kung ligtas kainin o inumin ang:

  • Kapeina

  • Artipisyal na pampatamis

  • Karneng laman-loob

  • Ilang uri ng isda

  • Isda at shellfish na naglalaman ng mababang antas ng mercury, tulad ng hipon, de-latang tuna, salmon, pollock, at hito

Online Medical Reviewer: Freeborn, Donna, PhD, CNM, FNP
Online Medical Reviewer: Sacks, Daniel, MD, FACOG
Date Last Reviewed: 2/1/2018
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite

These resources and their content are provided by a third party for informational purposes and do not necessarily reflect the values and positions of Ascension, its ministries, or its subsidiaries.

About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer

The Services may integrate with Third-Party Apps or contain third-party content or provide links to third-party websites. For example, the Services may integrate with Third-Party App providers to provide you with information. You authorize Ascension to transmit information about You to and receive information about You from applicable third parties.
You agree that Ascension is not responsible for Third-Party Apps, third-party content or third-party websites, and does not make any endorsements, representations or warranties regarding the same. Your use thereof is at Your own risk and subject to the third party’s terms and conditions, as applicable. By using a Third-Party App or third-party content or websites, You agree to the applicable third party’s terms and conditions, even if Ascension does not present them to You at the time of Your use.